Tsuper utas sa police patrol car sa Isabela

Tsuper utas sa police patrol car sa Isabela

July 8, 2021 @ 6:35 PM 1 year ago


ISABELA – Agad na binawian ng buhay ang isang tsuper matapos aksidenteng mabangga ng police patrol car ang sinasakyan nitong tricycle sa kahabaan ng National Highway Bugallon Norte, Ramon dito sa nabanggit na lalawigan.

Kinilala ang nasawi na si Feliciano Obra Jr., at residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang tsuper ng patrol car na si PCpl. Archie Butac, 29-anyos at nakatalaga sa 2nd IPMFC na nakabase sa Oscariz, Ramon, Isabela.

Una rito, habang binabagtas ng sasakyan ng pulis lulan ang team nila PCpl. Butac patungo sa timog na direction sa bayan ng Cordon upang sunduin ang VIP at ihatid sa IPPO.

Habang binabaybay naman ng tricycle na minamaneho ni Obra ang kasalungat kung saan bigla umano itong lumiko pakaliwa nang walang paunang signal dahilan upang aksidenteng mabangga ng patrol car.

Kung saan nagtamo ng malalang sugat sa katawan ng biktima na agad namang isinugod sa pagamutan subalit binawian din nang buhay habang nilalapatan ng lunas ito.

Kaugnay nito, sa hindi inaasahan pangyayari dahil sa aksidente ay nakatakdang mag-usap ang magkabilang panig para maayos at mauwi sa aregluhan. (REY VELASCO)