Tuberong lider ng Contreras gang, timbog sa P34K na droga

Tuberong lider ng Contreras gang, timbog sa P34K na droga

November 1, 2022 @ 4:33 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang 33 anyos na tubero na umanoy lider ng Contreras Criminal gang matapos mabilhan at mahulihan ng ililgal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Plaridel.

Kinilala ni Bulacan Police directo PCOL. Relly Arnedo ang suspek na si Jannel Contreras, alyas “Miyaw”, plumber at residente ng Brgy. Sta. Ines.

Sa report, ikimasa ang operasyon ng pinagsanib puwersa ng PIU-PDEU, SOU3-PDEG at Plaridel police bandang 5:40 ng hapon nitong Oktubre 31 sa naturang lugar.

Ayon sa report, pinosasan ng mga awtoridad ang suspek matapos mabilhan ng poseur buyer ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu.

Nang rekisahin, narekober pa ang tatlong sachet na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng tatlong gramo at may DDB value na P34,000.

Sinasabing ang suspek ay kabilang sa Regional PriorityHigh Value Individual, Provincial High Value Individual at lider ng Criminal gang na sangkot Robbery Hold-Up at motornapping sa lalawigang ito. Dick Mirasol III