Tubig sa Angat Dam tumaas ng 2 metro sa ulan

Tubig sa Angat Dam tumaas ng 2 metro sa ulan

April 6, 2022 @ 2:24 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang lebel ng tubis sa Angat Dam sa Bulacan ng halos dalawang metro dulot ng ulan.

Base sa monitoring ng Hydrometeorology Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, umabot sa 192.38 metro ang lebel ng tubig sa dam mula sa 190.60 nitong Martes.

Sa kabila nito, nananatili itong mababa kumpara sa normal na high water level na 212 metro.

Unti-unting bumababa ang lebel ng tubig sa dam dahil sa kaunting pag-ulan sa mga nakalipas na buwan.

Binigyang-diin naman ng PAGASA na huwag magsayang ng tubig upang maiwasan ang water shortage sa tag-init. RNT/SA