Tubig sa Marikina River, tumaas pa… Forced evacuation ipinatupad

Tubig sa Marikina River, tumaas pa… Forced evacuation ipinatupad

August 11, 2018 @ 5:36 PM 4 years ago


 

Marikina City – Ipinatupad na ang forced evacuation sa mga residenteng nakatira malapit sa Marikina River.

Kasunod ito ng pagtaas ng ikatlong alarma dahil sa pag-angat ng lebel ng tubig nito sa 18.1 kaninang alas-4:57 ng hapon.

May mga inihandang evacuation centers ang Marikina City para sa mga apektado ng malakas na ulan at baha.

Ang mabilis na pag-akyat ng tubig ay dulot ng walang humpay na buhos ng malakas na ulan matapos itaas ng PAGASA ang red rainfall warning sa buong Metro Manila at Rizal province.  (Remate News Team)