TUCP maghahain ng wage hike petition sa Cordillera Region

TUCP maghahain ng wage hike petition sa Cordillera Region

May 5, 2022 @ 7:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang maghain ng petisyon para sa dagdag-sahod ang grupo ng mga manggagawa sa Cordillera Administrative Region (CAR) bukas, Mayo 6.

ayon sa Trade Union Congress of the Philippines, ihahain nila ang wage hike petition sa tanggapan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa lungsod ng Baguio.

Hindi naman binanggit ng grupo kung magkano ang ihihirit nilang taas-sweldo.

Nabatid na kasalukuyang nasa P340 hanggang P350 lamang ang minimum na arawang sahod sa rehiyon.

ang CAR ay binubuo ng mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province. RNT/ JCM