Tugade sa PPA: Mga batang stranded sa magulang na ‘di bakunado, payagang bumyahe!

Tugade sa PPA: Mga batang stranded sa magulang na ‘di bakunado, payagang bumyahe!

January 20, 2022 @ 10:55 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Matapos na malaman na may mga stranded na pasahero na may kasamang bata sa Manila North Harbor papuntang Bacolod at Zamboanga, kaagad na nagpatawag ng pulong si Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade sa Philippine Ports Authority (PPA), kasama ang iba pang transport officials at agencies concerned, at ipag-utos sa mga ito na kaagad na payagang umalis ang mga stranded passengers na may kasamang mga bata at bumalik sa kanilang bahay sa lalawigan.

Ayon sa ulat, ang dahilan kung bakit ang mga kabataan ay hindi pinapayagan na sumakay ay dahil sa ang kanilang mga magulang ay hindi bakunado at walang “proper requirements and documentation.”

“When I saw the news, I was mad and fuming,” ayon kay Secretary Tugade.

“My instruction from the very beginning is plain and simple— The No Vaxx, No Ride/Entry policy should be implementated as patient and tolerant as possible, but firm,” dagdag na pahayag ni Sec. Tugade.

“I immediately called a meeting at 8:30PM and ordered the PPA, through General Manager Jay Santiago, to immediately allow the stranded passengers with children to return home to their provinces, provide them with food, assist in the costs of their tickets, and give financial assistance. PPA assured me that these instructions will be executed not later than this morning. After all, returning home is essential travel!” Sec. ayon pa rin sa Kalihim.

Gayunpaman, inulit ni Secretary Tugade ang naging direktiba nito sa lahat ng transport sectors na maglagay ng vaccination stations sa strategic places, kahalintulad ng ginawa at itinatag ng road sector sa Parañaque Integrated Terminal Exchange simula noong Hulyo ng nakaraang taon.

“Make sure to continue our vaccination efforts at the PITX. Put similar vaccination facilities in rail stations and in North Harbor,” ang utos ni Tugade.

“I have also ordered the Toll Regulatory Board to consider having vaccination stations at NLEX and other Toll Roads. This is now being discussed by the TRB with toll operators,” ayon sa Kalihim. Kris Jose