Tugon ng Pinas sa COVID outbreak sa China, sapat na – Garin

Tugon ng Pinas sa COVID outbreak sa China, sapat na – Garin

January 4, 2023 @ 6:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi sinang-ayunan ni dating health secretary at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin nitong Miyerkules, Enero 4 ang planong higpitan pa ang mga biyaherong dumarating mula China.

Matatandaan na ang nasabing bansa ay nakararanas ng panibagong bugso ng mga kaso ng COVID-19.

“I believe the response that we have is enough,” ani Garin sa panayam ng ANC.

“We have to be more concerned how do we live with COVID. It has transformed into an opportunistic infection. Usually those who are immunocompromised are those greatly affected. So, how do we manage that in our country, I believe that’s the higher concern to have,” dagdag pa niya.

Naunang sinabi ni Dr. Tony Leachon, dating adviser ng COVID task force ng bansa, na dapat suriin ang mga dumarating na pasahero mula China.

Marami nang mga bansa sa mundo ang naghigpit at nagkasa ng mga bagong travel rules sa mga dumarating na pasahero mula dito, sa takot na rin na ang mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa ay magdulot ng mga bagong variants.

Sinita naman ng China ang kabi-kabilang international restrictions sa mga residente nila.

“This lacks scientific basis and some practices are unacceptable,” sinabi ni foreign ministry spokesperson Mao Ning.

Nagbabala siya na posibleng magkasa ng countermeasures ang China bilang ganti dito. RNT/JGC