Tulak, 4 majongerong lolo, karpinterong wanted, nalambat sa Bulacan

Tulak, 4 majongerong lolo, karpinterong wanted, nalambat sa Bulacan

January 3, 2023 @ 2:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng P20,000 umano’y iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Guiguinto.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang suspek na si Simon Flores, 51, binata, negosyante, residente ng Brgy. Tabe.

Sa report ni Guiguinto chief of police, PLt. Col. Jowilouie Bilaro, ikinasa ang operasyon laban sa target bandang alas-2:45 ng hapon nitong Enero 2, sa naturang lugar.

Ayon sa report, nabilhan ng police poseur-buyer ang target ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu kaya siya agad inaresto.

Narekober rin sa target ang isang sachet na pinaghihinlaang shabu na may estimated street value na P20,000 at buy-bust money.

Arestado rin bandang alas-2:40 ng hapon sa kaparehong petsa nang itawag sa pulisya ng concerned citizen ang tatlong nagsusugal ng majong na sina Mang Manuel, 64, Mang Joven, 50, Mang Florentino, 69 at Mang Rolando, 69 kapwa residente ng Brgy. Tabe.

Bandang alas-7:30 ng gabi, arestado naman sa manhunt operation ng pulisya ang wanted na si Amano Ariel, 50, karpintero ng Brgy. Malis, Guiguinto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong BP 22 na may inirekomendang piyansang P12,000 at inisyu nitong Disyembre 14, 2022 ni Hon. Gwendolyn Marquez-Dizon, presiding judge ng MTC branch 21, Manila. Dick Mirasol