Tulak arestado sa baril, P57K shabu sa Malabon

Tulak arestado sa baril, P57K shabu sa Malabon

December 16, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng baril at P57K halaga ng shabu nang madakma sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw, Disyembre 15.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naaresrtong suspek bilang si Rowie Sta. Rosa, 31 ng Brgy. Longos ng lungsod.

Ayon kay Col. Daro, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Hiwas St. corner Labahita St., Brgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng shabu.

Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek.

Nakumpiska sa suspek ang pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 8.5 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P57, 800.00; buy bust money, isang cal. 38 revolver na may apat na bala at coin purse.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition. Boysan Buenaventura