Tulak arestado sa shabu at armas

Tulak arestado sa shabu at armas

August 4, 2018 @ 11:46 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking tulak nang mahulihan ng bulto-bultong shabu, baril at replica ng granada habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) – Station 7 kagabi.

Kasalukuyan na ngayong nakakulong sa nasabing istasyon ng pulisya ang suspek na si Adrian Ambito, 31, binata,walang trabaho, at residente ng Balut, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng MPD-PS 7, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Hermosa Anti-Crime Operation nang mapansin ang suspek sa kahabaan ng Hermosa Street sa Tondo na may nakasukbit na baril.

Nang lapitan at sitahin ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang sampung bultong shabu, 9mm baril, limang buhay na bala, digital scale o timbangan at replica ng  granada.

Ang naturang bulto ng shabu o aabot sa 50 gramo ay may street value na  P250,000 .

Kasong paglabag sa kasong RA 9165 at RA 10591 ang isasampang kaso laban sa suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)