Tulak balik-selda sa P7.3-M shabu

Tulak balik-selda sa P7.3-M shabu

December 29, 2022 @ 9:55 AM 1 month ago


CEBU CITY –BALIK-selda ang isang tulak ng shabu matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang anti-drug sting operation Martes ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ni Col. Ireneo Dalogdog, Cebu City Police Office director, ang nadakip na suspek na si Johndel Abanid Dutallas, 22-anyos, ng A. Lopez Street sa Sitio Mahayahay, Barangay Calamba, Cebu City.

Nakabili ang operatiba ng Cebu City Police Station-6, ng shabu sa suspek at ng kapkapan nakuhanan ito ng 43 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba mga drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, dati ng nakulong ang suspek sa kaparehong kaso noong 2018 at nakalabas lamang ito sa pamamagitan ng probation.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs ang suspek./Mary Anne Sapico