Tulak binitbit sa P54K tobats sa Navotas

Tulak binitbit sa P54K tobats sa Navotas

October 2, 2022 @ 2:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinelda ang isang listed drug personalities matapos malambat sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Nomer Ochoa, 37, ng 117 M. Fernando St., Brgy. Tangos South, Navotas City.

Ayon kay Ollaging, bandang alas-11:55 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Goldrock St., Brgy. San Roque matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu ng suspek.

Matapos tanggapin ng suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska kay Ochoa ang humigi’t kumulang 8 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P54,400 at buy bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura