Tulak bulagta, 3 pa timbog sa Bulacan buy-bust

Tulak bulagta, 3 pa timbog sa Bulacan buy-bust

July 14, 2022 @ 7:34 PM 4 weeks ago


BULACAN – Patay ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos magkaputukan habang tatlong kasabwat pa ang nahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao.

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL Charlie Cabradilla ang napatay na si Rick Tiamzon, residente ng Looban 1st, Brgy. Loma De Gato.

Sa report,ikinasa ang operasyon nang pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit at Drug Enforcement Unit ng Marilao police bandang 2:00 pm nitong Hulyo 13 sa lugar.

Ayon sa report,nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang nakatransaksyon kaya namaril ito.

Ginamtihan ito ng mga pulis at nang humupa ang mga putok ay nakitang bumulagta ang target.

Narekober sa operasyon ang apat na sachets na pinaghihinlaang shabu na tumimbang ng 55 grams,may Dangerous Drug Board value na P398,000.00,cal.9mm pistol,anim na basyo at buy bust money.

Sinasabing naaresto rin sa operasyon ang live-in partner ng napatay na si Katherine Pardola anak na si Kenneth Tiamzon at kaibigang si Michael Macaraig kapwa residente sa naturang lugar.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III