Tulak bulagta, 6 pa dinakma sa magdamagang buy-bust sa Bulacan

Tulak bulagta, 6 pa dinakma sa magdamagang buy-bust sa Bulacan

April 6, 2021 @ 8:28 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

BULACAN, Philippines – Patay ang isang pinaghihinalaang tulak habang anim pa ang inaresto sa magkakahiwalay at magdamagang buy-bust operation sa Bulacan.

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL Lawrence Cajipe ang napatay na si Dominador Donia alyas Junior,residente ng Brgy.Ibayo,Marilao.

Sa report ng Marilao police,ikinasa ang operasyon laban kay Junior bandang 12:10 a.m,Abril 6 sa Brgy.Ibayo.

Nakuha sa operasyon ang isang cal.38 revolver,mga basyo,bala,anim na sachet na pinaghihinalaang shabu at buy-bust money.

Arestado rin ng mga pulis sina Romeo Maniquiz ng Brgy.San Juan,San Miguel,Norberto Gonzales,Ferla Saligumba,Edwin De Castro kapwa residente ng Brgy.Malibong Matanda,Pandi,Ronald Gleane ng Brgy.Banga 1st at Jovan Inocencio ng Brgy.Banga 2nd,Plaridel.

Nakuha sa operasyon ang 20 plastic sachet na pinaghihinalaang shabu,tatlong plastic sachet na pinaghihinalaang dahon ng marijuana at buy-bust money. Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •