Tulak inginuso, tiklo sa P.4M shabu

Tulak inginuso, tiklo sa P.4M shabu

October 16, 2020 @ 12:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ibinalibag sa selda ang isang tulak matapos makunan ng higit sa P.4M halaga ng shabu sa buy-bust operation matapos siyang inguso sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Arestado si Ordy Delos Santos, 21, may kinakasama, istambay ng 632, 5th Ave., 2nd St., Brgy. 118, Caloocan City.

Isinagawa ang operasyon laban sa suspek, bandang 7:00 p.m. kamakalawa sa Julian Felipe St., Brgy. 8, Caloocan City makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya na kalat ang shabu sa lugar.

Kararmihan umano ng magulang ng mga adik sa lugar ay sinisisi ang isang alyas “Ordy” na siyang responsable sa pagdami ng gumagamit ng shabu.

Humigit-kumulang 60 gramo ang nakuhang shabu sa suspek, nagkakahalagang P408,000.

Nakumpiska rin kay Delos Santos ang isang kulay pulang cell phone, isang motorsiklong walang plaka at buy-bust money.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharaping kaso ng dinakip. Merly Iral


  •  
  •  
  •  

Loading...