Tulak kalaboso sa QC

Tulak kalaboso sa QC

November 23, 2021 @ 9:54 AM 5 days ago


Manila, Philippines – NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang tulak ng shabu matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation kagabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ang suspek na si Marino Escalada, 53 anyos,  may-asawa, residente ng no. 15 Ilagan St.,  Brgy. Paltok, Q.C at kabilang sa listahan ng Drug watchlist.

Base sa ulat, dakong 9:20 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa mismong harapan ng bahay ng suspek.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma si Escalada.

Narekober mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng pitong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47,000, isang cellphone gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na si Escalada na nahaharap sa paglabag sa RA9165 o ang Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz