Tulak na bebot, 2 suki tiklo halos P1M shabu

Tulak na bebot, 2 suki tiklo halos P1M shabu

April 10, 2022 @ 2:57 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang babaeng tulak at kasamang dinampot ang kanyang dalawang parokyano ng shabu nang makuhanan ng P918,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City Linggo ng madaling-araw.

Swak sa hoyo ang tulak na si si Regina Joan Cruz, 40, ng Gilmar Place, Barangay 168, Deparo, Caloocan, habang ibinalibag din sa selda ang kanyang mga suking umiiskor ng shabu na sina Jhunrey Lomonggo, 30, ng Freetown St., Vista Verde North Caybiga, Caloocan; at Christian Salinel, 21, ng  Freetown St., Vista Verde North Caybiga, Caloocan.

Natiklo ang tatlo sa operasyong isinagawa 12:10 ng madaling-araw ing Abril 10 sa Gilmar Place, Barangay 168, Deparo at nakumpiskahan ng kabuuang 135 gramo ng shabu.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang haharaping kaso ng mga dinakip. Merly Iral