Tulak na de-boga huli sa Bulacan buy-bust

Tulak na de-boga huli sa Bulacan buy-bust

April 24, 2022 @ 3:58 PM 2 months ago


BULACAN – Arestado ang tulak na nahulihan ng iligal na droga at baril sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Paombong.

Kinilala ang suspek na si Eduardo Reyes Jr,alyas “Ulo”,residente ng Brgy.Santisima Trinidad,Malolos.

Ikinasa ang operasyon ng Paombong police laban sa target bandang 1:50 pm nitong Abril 23 sa Brgy.Santo Niño, Paombong.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng tawag sa isang confidential caller tungkol sa illegal drug activity ng target.

Narekober sa operasyon ang cal.38,dalawang bala na kapwa walang kaukulang dokumento,dalawang sachet na hinihinalang shabu at buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III