Tulak na nagpapanggap na pulis, patay sa buy-bust operation

Tulak na nagpapanggap na pulis, patay sa buy-bust operation

September 22, 2020 @ 5:28 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

San Jose City, Nueva Ecija – Hindi nakatulong ang pagpapanggap na pulis ng isang notoryus na tulak ng droga matapos siyang mapatay sa drug buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Camanacsacan sa lungsod na ito, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang napatay na suspek na si Joel Tubera, alyas “Kano”, 42, ng Barangay Sinipit Bubon, dito.  Ang suspek ay nasasangkot din umano sa robbery hold-up at gun-for-hire sa lalawigan ito na may modus na magpapakilalang isang pulis.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang drug enforcement unit ng San Jose City PNP sa naturang barangay bandang 1:20 ng madaling-araw kahapon at nanlaban ang suspek matapos mahalatang pulis ang kanyang katransaksyon.

Napuruhan sa barilan si alyas “Kano” habang mabilis na tumakas ang kasabwat niya, sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo.

Narekober sa pinangyarihan ang 1 isang caliber .38 revolver Smith & Wesson; (4) pcs FCC for cal .9mm; 15-piraso ng transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, 6-piraso ng kulay itim na plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at may estimated street value Php160,000. Ver Sta. Ana


  •  
  •  
  •  

Loading...