Tulak nakipagbarilan sa mga parak bago masakote

Tulak nakipagbarilan sa mga parak bago masakote

September 10, 2020 @ 5:50 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagkaroon muna ng palitan ng putok at kaunting habulan sa pagitan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7 at isang tulak ng shabu bago ito naaresto kaninang  umaga sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD director, P/BGen. Ronnie Montejo ang nadakip na si Kenneth Andrew Santillan.

Base sa ulat, bandang 11:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng Sogo Hotel sa Stanford St. Barangay Socorro, Cubao Q.C.

Lumalabas na isang pulis na nagpanggp na buyer ang bumili ng shabu sa suspek subalit nakatunog ito dahilan upang agad na iatras ang kanyang sasakyan at pinaputukan ang mga awotridad.

Gumanti ang mga pulis at nagkaroon ng habulan.

Nasakote naman ng mga pulis si Santillan makaraang lumiko sa kalye ng Harvard na dead-end o walang lusutan.

Nakumpiska mula sa suspek ang 9 sachet ng shabu na tinatayang nasa 10 hanggang 15 gramo, cal. 45  pistol na may isang live ammunition, Toyota Vios na may conduction sticker na 166975, gayundin ang isang identification card ng Highway Patrol Group (HPG).

Nakapiit na si Santillan habang inihahanda ang kaso laban sa kanya. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...