Tulak nalambat sa Navotas; P353K shabu, baril nasamsam

Tulak nalambat sa Navotas; P353K shabu, baril nasamsam

August 16, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad sa isang listed drug pusher ang mahigit P.3 milyon halaga ng shabu at isang baril matapos mabitag sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kagabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Neptali Manalaysay alyas “Nepti”, 55, (Pusher/Listed) at residente ng E. Nadela St., Brgy. Tangos South, Navotas City.

Ayon kay Ollaging, dakong alas-11:50 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, kasama ang TMR, Sub-Station 2 at Intelligence Section ng buy bust operation sa L. Santos Brgy., Tangos South kontra sa suspek na kabilang sa list ng TXT JRT bilang drug personality.

Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover piloce sa suspek ng P7,000 halaga ng droga sa tulong ng isang regular confidential informant (RCI).

Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa suspek ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka sinunggaban si Manalaysay.

Nakumpiska ng mga operatiba sa suspek ang humigi’t kumulang 52 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php353,600.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 6 pirasong P6,000 boodle money, cal. 38 revolver na may apat nab ala, digital weighing scale, cellular phone at sling bag.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) at RA 10591 (Comprehensive law on firearms and Ammunitions). Boysan Buenaventura