Tulak ng iligal na droga, arestado sa Makati

Tulak ng iligal na droga, arestado sa Makati

July 11, 2018 @ 2:57 PM 4 years ago


Makati City – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isang drug buy-bust operation kung saan nakumpiskahan ang mga ito 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kinilala ng Makati City police ang mga arestadong suspe na sina Rizalyn Dela Cruz at Jesert Ralph Oliver, kapwa residente Makati City.

Dakong Alas-12:25 kahapon ng madaling araw nang magkasa ng follow-up buy-bust operation laban sa mga suspek ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Novaliches police station sa Brgy. Rizal, Makati City na nauna nang nakipagkoordinasyon sa Makati City police.

Matapos makipagtransakyon ang isang miyembro ng pulisya na nagpanggap na poseur-buyer na bibili ng droga sa mga suspects ay nagbigay na ito ng hudyat na nagging dahilan ng pagkakaaaresto ng mga ito.

Ang operasyon na isinagawa ng Novaliches DEU ay bunsod sa nauna nang operasyon ng mga ito kung saan ininguso ng mga suspek ang kanilang pinagkukunan ng iligal na droga na ang kanilang mga kliyente ay mga taga-Novaliches, Quezon City.

Ayon kay dela Cruz, naengganyo lamang siya na pumasok sa iligal na droga nang may lumapit sa kanya na nagbenta ng murang halaga ng shabu.

Sa panig naman ni Oliver napasama lamang siya kay dela Cruz upang magkaroon siya ng pandagdag na kita dahil maliit lang ang kanyang kinikita sa pagme-mekaniko.

Sa record ng pulisya, nasa drug watchlist nila ang mga suspek at supplier umano ang mga ito ng shabu sa area ng Novaliches, Quezon City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na ngayon ay kasalukuyang nakapiit sa Novaliches police station.  (James I. Catapusan)