Tulak ng shabu, damo tiklo sa buy-bust!

Tulak ng shabu, damo tiklo sa buy-bust!

April 11, 2022 @ 6:02 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ngayon ang isang tulak ng shabu at marijuana matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang hapon sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Remus Medina ang nadakip na si Manuel Maraño alyas Regen, 32 anyos, nakatira sa # 179 Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora, Q.C.

Ayon kay Talipapa Police Station  3 commander PLTCOL Alexander Barredo, dakong 2:30 ng hapon (April 11) nang  isagawa ang drug operation sa mismo bahay ng suspek.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang suspek.

Nakumpiska mula kay Maraño ang  limang plastic sachet na naglalaman ng 30 grams ng shabu na nagkakahalaga ng Php 204,000, tatlong plastic na may laman na  n5 gramo ng marijuana na may halagang P500.00 gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabasg RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz