Tulak patay sa Nueva Ecija buy-bust



Tulak patay sa Nueva Ecija buy-bust

June 10, 2021 @ 6:14 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Nueva Ecija – Patay ang isa umanong notoryus na tulak ng droga na may kinakaharap na kasong frustrated murder matapos umanong kumasa sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Sta. Lucia Young, kahapon ng madaling-araw.

 

Kinilala ni P/Major Jaime Ferrer, hepe ng pulisya rito, ang napatay na suspek na si Al Taberna, nasa hustong gulang, ng Barangay Balaring sa bayan ng General Natividad, NE.

 

Nanlaban umano ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya bandang alas-12:05 ng madaling-araw, kahapon (June 10), matapos na maghinala umano ang suspek na pulis ang nabentahan nito ng isang plastic sachet ng umano’y shabu na nauwi sa kanyang kamatayan.

 

Nabatid na bukod sa isang plastic sachet na naibenta ng suspek sa police poseur-buyer ay may nakuha pa sa suspek na 15 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang P10,000 ang halaga.

 

Narekober sa pinangyarihan ang isang caliber 357 (walang serial number) na baril ng suspek, tatlong basyo ng bala ng caliber 9mm, ang P500 bill ‘marked money’, isang kutsilyo, isang smart phone at kulay itim na motorsiklong Suzuki Smash ng dayong suspek. –Ver Sta. Ana


  •  
  •  
  •