Tulak tiklo sa P.4M shabu

Tulak tiklo sa P.4M shabu

May 13, 2022 @ 11:19 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Lagpas P.4 milyon shabu ang nasamsam sa isang high value individual (HVI) sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang haharaping kaso ni Mohammad Ryan Dimaro alyas “Ryan,” 22, ng Emmanuel St., Brgy 188, Bagong Silang.

Dinakma si Dimaro sa operasyon sa Emmanuel St., Brgy. 188 dakong 6:50 a.m. kamakalawa nang paiskorin ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover.

Nakuha sa suspek ang 60 gramo ng shabu na may presyong P408,000 at buy-bust money. Merly Iral