Tulak tiklo sa P136K tobats

Tulak tiklo sa P136K tobats

February 23, 2023 @ 11:16 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Syut sa selda ang isang kelot na di-umanoy tulak ng ipinagbabawal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.

Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na kinilalang si Jake Raffee Portugana y Sahagun, 20, residente ng Pearl Island, Lawang Bato ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, dakong alas-5:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police kung saan isang undercover na pulis ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at nakabili ng iligal na droga.

Nasamsam ng mga pulis sa suspek ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa humigit kumulang 20 gramo at tinatayang nasa P136,000 ang Standard Drug Price, isang genuine five hundred peso bill, 23 five hundred peso bill boodle money, P400 pesos, coin pouch, Mio Sporty Scooter at isang Android cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. (R.A Marquez)