Tulak tiklo sa P170K na shabu

Tulak tiklo sa P170K na shabu

October 19, 2022 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang tulak ng shabu matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation kaninang madaling araw, Oktubre 19 sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III, ang naaresto na si Carl Jay Jacoba, 27 anyos, binata, walang trabaho, nakatira sa No. 17 Ilagan St., Brgy. Paltok Q.C.

Ayon kay Masambong Police Station 2 PLTCOL Imelda Reyes, dakong 3:45 ng madaling araw nang isagawa ang drug operation sa harap ng bahay ng suspek.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan dito na dinakma si Jacoba.

Nakumpiska mula sa suspek ang limang transparent plastic sachet na may laman na 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.00, gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na si Jacoba at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz