Tulak tiklo sa P34K shabu sa Valenzuela

Tulak tiklo sa P34K shabu sa Valenzuela

January 19, 2023 @ 4:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – SHOOT sa loob ng selda ang isang drug personality na listed bilang top 4 Priority Database on IllegalDrugs (PDID) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Johanne Dellava alyas “Jumong”, 34 ng Brgy. Punturin.

Sa report ni Col. Destura kay NorthernPolice District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakongalas-11:20 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo ng buy bustoperation sa kahabaan ng Velilla St., Brgy. Punturin kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P9,000 halaga ng droga.

Matapos matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagsilbi bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga suspek ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto si Dellava.

Ani PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang isang P500 at 8 pirasong P1,000 boodle money at cellphone.

Base kay P/Capt. Madregalejo, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Druga Act of 2002 na dati na rin nakulong ang suspek dahil din sa ilegal na droga. R.A Marquez