Tulak timbog sa P150K shabu sa Valenzuela

Tulak timbog sa P150K shabu sa Valenzuela

October 24, 2022 @ 3:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki nang makuhanan ito ng halos P150,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Jun-jun Setazate, 32, ng Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Natiklo si Setazate sa Santolan Service Road, Barangay Gen. T. De Leon, ng lungsod 4:00 ng hapon nitong Biyernes, Oktubre 21.

Nakuha s pag-iingat ng dinakip na suspek ang 22 gramo ng shabu na may halagang P149,600, buy-bust money at P200 cash. Merly Iral