Tulay sa Cavite gumuho, 1 patay, 7 nawawala

Tulay sa Cavite gumuho, 1 patay, 7 nawawala

July 27, 2022 @ 11:27 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isa ang patay habang pito ang nawawala nang gumuho ang isang suspended steel bridge sa Dasmariñas City, Cavite, nitong Martes ng gabi.

Sinabi ni Dasmariñas City Administrator Ariel San Gabriel na nangyari ang insidente dakong alas-8 ng gabi ng Martes at ini-report sa mga awtoridad bandang 9:30 ng gabi.

Batay sa inisyal na impormasyon, nasa 13 katao, karamihan ay mga kabataan, ang nasa tulay nang ito ay gumuho. Lima ang nakaligtas sa insidente.

Nagpapatuloy ang paghahanap sa pitong nawawalang tao noong Miyerkoles ng umaga.

Kinordenan na ang lugar na matatagpuan sa Barangay Sampaloc. RNT