Tulay sa Davao de Oro, giba sa M-5.3 na lindol

Tulay sa Davao de Oro, giba sa M-5.3 na lindol

March 6, 2023 @ 2:05 PM 4 weeks ago


DAVAO DE ORO – Nagiba ang bahagi ng tulay sa Davao de Oro kasunod ng magnitude 5.3 na lindol na tumama sa probinsya nitong Lunes ng madaling araw, Marso 6.

Sa ulat, gumuho ang bahagi ng tulay ng Shadol Maragusan-New Bataan Road sa nasabing probinsya dahilan para maapektuhan ang mga motoristang dumaraan sa lugar.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga motorista na dumaan na lamang muna sa alternatibong ruta na Magangit Road para na rin sa kaligtasan ng mga ito.

Matatandaan na niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang New Bataan, Davao de Oro bandang 4:43 ng madaling araw. RNT/JGC