Tulfo kinampihan ni Pimentel: US citizenship, libel cases, ‘di isyu sa kumpirmasyon

Tulfo kinampihan ni Pimentel: US citizenship, libel cases, ‘di isyu sa kumpirmasyon

November 25, 2022 @ 2:18 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Mistulang kinampihan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa kanyang kumpirmasyon sa makapangyarihang Commission on Audit (CA) base sa isyung ipinalutang sa nakaraang pagdinig.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na hindi isyu ang pagiging American citizen at libel cases ni Tulfo sa kanyang kumpirmasyon dahil maaari naman ayusin ang kaso sa nagdemanda.

“Basta sa tingin ko, kasi ang libel may private person na nasaktan, you could even reconcile with that person eh. Puwede naman ma-amicably settle yan,” ani Pimentel.

“I don’t think it’s such a big issue na it disqualifies you to be appointed,” giit pa niya.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Pimentel na hindi pa naidedeklara ng US government na citizen na si Tulfo kaya’t walang isyu dito.

“Ang basic facts dito kay Sec. Tulfo, hindi siya naging Amerikano kasi US mismo nagsasabi na defective ang kanyang application at hindi nila grinant or ‘di dumating sa dulo. Kasi sabi nila meron kang kakulangan siguro sa documents na sinubmit,” paliwanag ni Pimentel.

“Kung ganun kasimple yung facts dun, ‘wag na natin i-pursue ‘yung issue na ‘yun because it may not even be an issue because if you did not really become an American, you have always been a Filipino,” giit pa niya.

Aniya, kahit inamin ni Tulfo na American citizen siya, hindi naman ito “controlling statement” dahil mismong US government ang nagsabi na hindi siya naging mamamayan ng kanilang bansa.

“So kung ako member ng CA ngayon–di naman ako member ngayon–kung ganyan ang facts na darating sa akin, na yung US ang nagsasabi na he never became a citizen, therefore, that is a non-issue for me,” ayon kay Pimentel. Ernie Reyes