Tulfo, Legarda, Villar angat sa senatorial survey 

Tulfo, Legarda, Villar angat sa senatorial survey 

March 17, 2022 @ 9:22 PM 3 months ago


PATULOY na nangunguna sina senatorial candidates Raffy Tulfo, Antique Rep. Loren Legarda at dating Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa latest Pulse Asia Research Survey.

Nanguna si dating broadcaster Tulfo sa survey na isinagawa sa pagitan ng Pebrero 18-25, 2022 habang si Legarda ang lamang sa nakaraang Pulse Asia survey.

Sa pinakahuling survey,nakuna nina Legarda at Villar ang pangalawa at pang-apat na pwesto na may 99 awareness score. Lamang si Legarda kay Villar ng 2.7% sa voting 58.9%.

Kasama sa top 6 sina Alan Peter Cayetano, Miguel Zubiri, at Francis “Chiz” Escudero. RNT