Tulfo nagbabala sa 3-strike policy sa masasagip na palaboy

Tulfo nagbabala sa 3-strike policy sa masasagip na palaboy

October 3, 2022 @ 5:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ng three-strike policy sa mga nasasagip nilang bata o palaboy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo nitong Lunes, Oktubre 3 sa isang public briefing na nagpaabot rin ng kanyang pagkadismaya sa ilang magulang na pinababayaan ang kanilang anak magpalaboy-laboy sa kalsada.

Ngayon, medyo hihigpitan pa natin ngayon. Yung tinatawag nating three strikes. Kapag nakatatlong beses nang ni-rescue ng pamahalaan ng LGU ang iyong anak sa lansangan, tinitingnan namin kung pupuwede na bang kunin ng DSWD ang pangangalaga sa mga bata na ito,” ani Tulfo.

Idinagdag pa niya na kokonsultahin niya rin ang iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Kongreso, Office of the Solicitor General, at Malacañang sa legalidad ng kanyang panukala.

Mas mainam pa aniya na nasa pangangalaga ng DSWD ang mga batang ito kaysa pinababayaan lamang ng mga magulang. RNT/JGC