Tulfo: Paglikha ng IRR para sa solo parents welfare act, paspasan

Tulfo: Paglikha ng IRR para sa solo parents welfare act, paspasan

August 17, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippnes- Ipinag-utos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang pagbalangkas at pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) para patakbuhin o maging operasyonal ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Sinabi ng Kalihim na binuo ang technical working group (TWG) para mag- draft ng IRR ng bagong batas na magbibigay ng P1,000 monthly cash subsidy para sa low-income solo parents, kasama ng karagdagang benepisyo.

Sinabi ni Tulfo na inatasan na niya ang TWG para isa-pinal ang IRR ng batas sa loob ng 90 araw na “prescribed period,” idagdag pa ang β€œthe solo parents will be able to receive the benefits immediately.”

β€œThe new law will be of great help to solo parents, especially that they are raising their children single-handedly,” ayon kay Tulfo.

Maliban sa P1,000 monthly cash assistance para sa low-income solo parents, ang bagong batas ay magbibigay ng 10% discount sa ilang gamot para sa low-income solo parents na may anak na anim na taon pababa, pagbibigay-prayoridad sa low-cost housing, PhilHealth coverage, workforce, apprenticeships, livelihood training, reintegration programs para sa Overseas Filipino Workers, employment information/matching services, educational scholarships, at iba pang anti-poverty initiatives ng gobyerno.

Idagdag pa rito, pinapayagan ng bagong batas ang solo parents na makatanggap ng benepisyo hanggang ang kanilang anak ay umabot ng 22 taong gulang.

Sa ilalim ng batas, “a solo parent with children in school will also be priority in the selection of new beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program if the income is within or below minimum wage.”

Maaari rin aniyang mag-apply ang solo parent para sa livelihood assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program of the DSWD.

β€œWith the new law in place, it is expected that more poor families headed by single parents will be assisted to have an improved quality of life,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang, ipinalabas ng Malakanyang ang kopya ng Expanded Solo Parents Welfare Act na nag-lapsed into law noong nakaraang Hunyo 4.Β Kris Jose