Tulfo pinadidiskwalipika sa pagtakbong senador

Tulfo pinadidiskwalipika sa pagtakbong senador

November 19, 2021 @ 7:47 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pinadidiskwalipika ng isang indibidwal si Raffy Tulfo sa pagtakbong senador sa Halalan 2022.

Ito ay makaraang maghain ito sa Commissions on Elections (Comelec) para hilingin na ibasura ang certificate of candidacy (COC) ni Tulfo sa pagka-senador.

Matatandaang naghain ng COC si Tulfo noong Oktubre 2 bilang independent candidate.

“I just have the name that file it is Julieta Pearson filed on October 25,” ayon naman kay Comelec spokesperson James Jimenez sa isang online press briefing nitong Huwebes.

Wala pang ibinigay na kopya ng petisyon ang Comelec. RNT