TULISANG ENGINEER SA DPWH DAPAT IPA-LIFESTYLE CHECK

TULISANG ENGINEER SA DPWH DAPAT IPA-LIFESTYLE CHECK

November 25, 2021 @ 5:42 PM 3 days ago


PAHAPYAW nating silipin, bay, ang kaliwa’t kanang panggagatas ng ilan sa mga district engineer at mga kasabwat nitong mga kawatang contractor ng Department of  Public Works and Highways At siguro ay panahon na para ipa-lifestyle check ang bawat isa sa mga ito.

Sa totoo lang, mga parekoy, maganda sana ang mga proyektong ipinagagawa ng DPWH dahil larawan ang mga ito ng naisasakatuparang proyekto ng gobyerno.

Pero ang masakit dito, hindi po makontrol ang kaliwa’t kanang “nakawan” sa iba’t ibang proyekto.

Tila talamak din ang bukulan sa loob ng departamento gaya ng kaso ng isang District Director na isang engineer.

Nagkakamal ng limpak-limpak na salapi si engineer, kakutsaba ng misis niyang nasa DPWH, kaya nakabili ito ng napakaraming ari-arian.

Aray ko po, diyos ko.

Ang matindi pa rito, mga pare ko, may bulong-bulungan sa DPWH na itong si District Engineer garapalang nakapagpapapasok ng kanilang sariling construction firm gamit ang kanilang anak na nagsisilbing contractor ng iba’t ibang proyekto sa DPWH.

Nakapagpapasok din ang anak ni D.E. ng biddings sa iba’t ibang kontrata MM1DEO na malinaw pa sa sikat ng araw na isang kaso ng conflict of interest.

Ang tanoooonggg…alam kaya ni PRRD ang nakawan sa loob ng departamento????

Pinapaburan din umano ni DE sa mga kontrata ang mga ka-bro niya sa fraternity at maging mga local politicians na kakontrata nilang mag-ama.

Abangan ang karugtong ng maanomalyang ginagawa ni DE habang hawak nito ang kapangyarihan sa masabaw na departamento.

Pramis ‘yan, mga parekoy.

PASUGALAN SA LIPA PADER KAY MAYOR AFRICA

Sa lalawigan ng Batangas sa bayan ng Lipa isang nagngangalang Gary ang siyang na nagpapatakbo ng bookies ng STL sa nasabing bayan at nakapagtataka kung bakit hindi pinatitigil ni Lipa Mayor Eric Africa.

Hindi ko namang sinasabi na may lingguhang payola na tinatanggap si Lipa Mayor Africa mula sa nasabing .

Peksman.