Tulong para kay Pen Medina, inilunsad!

Tulong para kay Pen Medina, inilunsad!

July 17, 2022 @ 9:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sa social media dinaan ng anak ng beteranong aktor na si Pen Medina ang paghingi ng tulong kaugnay ng kanyang sakit.

Ayon kay Alex, may tatlong linggo na raw naka- confine ang amang aktor dahil sa karamdaman nito.

Degenerative disc disease ang karamdaman ni Pen.

Nakatakda siyang sumailalim sa major spine surgery sa July 19.

Ayon pa kay Alex, hindi raw makatayo o makaupo ang 71 anyos na ama.

Mula nang manalasa ang pandemya noong March 2020 ay madalang kundi man walang showbiz work na pinagkakakitaan ang kanyang tatay.

Dahil dito, dumudulog si Alex sa mga may mabubuting kalooban na pagkalooban sila ng tulong pinansyal, bukod sa mga panalangin na maging matagumpay ang operasyon nito sa itinakdang petsa.

Si Pen ay may apat na dekada nang nasa larangan ng pag-arte sa telebisyon at pelikula.

Sa rami ng may mabubuting puso sa showbiz, tiyak na daragsa ang tulong para kay Pen. Ronnie Carrasco III