Tulong sa child laborers tiniyak ng DOLE

Tulong sa child laborers tiniyak ng DOLE

November 28, 2021 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong para sa  sa anyo ng livelihood assistance sa mga magulang ng mga child laborers.

Ito ay upang maiangat ang kanilang kalagayan at tuluyang maiwasan ang kanilang paggawa sa child labor.

Ang pahayag ni Labor Secretary Silvester Bello III ay bilang bahagi ng  National Children’s Month celebration, kung saan  100 child laborers mula sa munisipalidad ng  Sagñay at Tigaon sa  Camarines Sur ang binigyan ng  grocery packs, hygiene kits, at educational materials.

Gayundin, 20 intern sa ilalim ng Government Internship Program ng DOLE ang nakatanggap ng kanilang mga stipend na nagkakahalaga ng P55,916. Ang programa ay nagbibigay ng tatlo hanggang anim na buwan ng internship na pagkakataon para sa mga nagtapos ng high school, technical-vocational, o kolehiyo na gustong ituloy ang karera sa serbisyo publiko sa alinman sa lokal o pambansang pamahalaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden