Tulong sa mga naapektuhan ng #DantePH tiniyak ng DSWD

Tulong sa mga naapektuhan ng #DantePH tiniyak ng DSWD

June 3, 2021 @ 9:27 AM 2 years ago


Manila, Philippines — Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay nila ng tulong sa local government units na tinamaan ng Tropical Storm Dante, batay sa ulat.

Naka-standby ang nasa P1.105 bilyon kung saan ginamit ang P113 milyon para sa 222,382 food packs at P766 milyon para pa sa ibang gastusin.

Nakatabi naman ang P181.2 milyon para sa disaster response at early recovery operations.

“These resources are strategically prepositioned in 17 regional warehouses and 34 DSWD warehouses across the country, especially in the regions forecast to be affected by ‘Dante’, for immediate augmentation to local government units (LGUs) which will need assistance,” lahad ng DSWD. RNT/FGDC