Tulong sa Somalia ipinanawagan ng Santo Papa

Tulong sa Somalia ipinanawagan ng Santo Papa

August 15, 2022 @ 8:06 AM 1 month ago


VATICAN City – Nanawagan si Pope Francis ng pandaigdigang tulong para sa Somalia upang labanan ang  isang “nakamamatay” na tagtuyot na sinasabi ng UN na naglikas sa isang milyong tao.

Binigyang-pansin ng 85-anyos na pontiff ang tinatawag niyang “seryosong humanitarian crisis” sa Somalia at ilang bahagi ng mga nakapaligid na bansa pagkatapos ng kanyang lingguhang panalanging Angelus sa Vatican.

“The people of this region, already living in very precarious conditions, are now in a deadly period due to drought,” sabi ng Papa

Umaasa ang Santo Papa na ang internasyunal na pagkakaisa ay makatugon sa emergency na ito.

“Unfortunately, war diverts attention and resources, but these are the goals that demand the most commitment—the fight against hunger, health, education.”

Ang Somalia at ang mga kapitbahay nito sa Horn of Africa kabilang ang Ethiopia at Kenya ay dinaig ng pinakamatinding tagtuyot sa loob ng mahigit 40 taon dahil sa apat na sunod na hindi nag-uulan na nagpabagsak ng mga pananim at  alagang hayop.

Sinabi ng UN refugee agency na UNHCR at Norwegian Refugee Council (NRC) noong Huwebes na mahigit 755,000 katao ang lumikas sa kanilang mga tahanan ngunit nananatili sa loob ng mga hangganan ng Somalia, na, kapag idinagdag sa mga tumakas sa ibang bansa, ay umabot sa isang milyon.

“Starvation is now haunting the entire country,” sabi ni Mohamed Abdi, ang NRC’s country director ng  Somalia.

Ang Somalia na winasak ng kaguluhan ay partikular na kulang sa kagamitan upang makayanan ang sitwasyon.

Sa mga nakaraang buwan, ang mga militanteng Al-Shabaab ay pinalakas ang kanilang pag-atake. Jocelyn Tabangcura-Domenden