Tumakas sa Bilibid ‘di lang 3; ika-4 na preso tinukoy ng DOJ, BuCor

Tumakas sa Bilibid ‘di lang 3; ika-4 na preso tinukoy ng DOJ, BuCor

January 18, 2022 @ 12:55 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) na hindi lamang tatlo, kundi apat ang tumakas sa Bilibid kahapon.

Dalawa sa kanila ang nasawi sa manhunt operations ng mga awtoridad, habang pinaghahanap pa ang ikatlong preso na kinilalang si Drakilou Falcon.

Pinangalanan naman ang ika-apat na tumakas na si Chris Candas Ablas, na nakapiit sa Bilibid sa salang robbery with homicide. RNT/SA