Tumangay ng taxi nasakote, suspek high sa droga

Tumangay ng taxi nasakote, suspek high sa droga

September 19, 2022 @ 2:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang isang carnapper bago pa man tuluyang matangay ang isang taxi sa Maynila .

Kinilala ang suspek na si Aifel John Misador, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ng Sta.Cruz Police Station, pasado alas 3 ng madaling araw nitong Linggo nang tangayin ni Misador ang taxi na minamaneho ni Richard De Vera y Mendoza, 53, nakatira sa Block 8, Phase 2, Meyland Lawa City, Meycauyan, Bulacan.

Ayon kay P/LtCol Ramon Solas, Sta. Cruz Police Station Commader, pinara umano ng suspek ang taxi na may plakang AAP 4424 sa 5th Avenue Caloocan at nagpabatid sa Retiro,Quezon City.

Gayunman,pagdating sa A.Bonifacio ay nagdeklara ng holdap ang suspek habang nakatutok ang patalim sa taxi driver.

Gumawa umano ng paraan ang driver at bumaba ng taxi kaya nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na mahawakan ang manibela saka tinangay .

Tiyempo namang nakita ng isang rider ang pangyayari kaya tinulongan ang si
Mendoza na makapagreklamo sa pinakamalapit na checkpoint sa bahagi ng Blumentrit.

Agad namang rumisponde ang mga pulis sakay ang dalawang motorsiklo at inabutan ang taxi sa kahabaan pa rin ng Blumentritt sa harap ng Chinese General Hospital.

Dito na sapilitang pinababa ng mga pulis ang suspek na aminadong nagawa lamang niyang tangayin ang taxi dahil sa kalasingan at lulong sa illegal na droga

Nakuha ng pulisya sa suspek ang isang patalim.

Pinayuhan naman ni Solas ang mga pumapasada na laging mag-ingat dahil hindi alam sino ang mga sunasakay.Sakali naman aniyang may mangyari ganito at dapat alam nila kong saan ang lokasyon ng mga kapulisan para sa agarang aksyon at pagresponde. Jocelyn Tabangcura-Domenden