Tungkulin ng local school board, palalakasin ni Gatchalian

Tungkulin ng local school board, palalakasin ni Gatchalian

February 20, 2023 @ 12:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang palawakin ni Senador Win Gatchalian ang tungkulin at responsibilidad ng local school board bilang tugon sa hamon na paiigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) sa pamumuhunan sa sektor ng edukasyon.

Sinabi ni Gatchalian na kanyang inihain noong nakaraang taon ang Senate Bill No. 155 o 21st Century School Boards Act na may layunin na patatagin ang partisipasyon ng local school board sa edukasyon.

Layunin din nit na palawakin ang pakikilahok ng iba pang miyembro ng komunidad.

Sa ilalim ng naturang panukala, tungkulin ng local school board na magpanukala at magpatupad ng mga polisiya na magpa-aangat sa kalidad ng edukasyon.

Iminumungkahi rin ni Gatchalian na maging responsibilidad ng local school board ang pagpapatupad ng hakbang upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng kalamidad, sakuna, at iba pang emergency situation na kaya nahihinto ang klase.

ā€œSa pagbangon ng sektor ng edukasyon mula sa krisis na ating kinakaharap, mahalaga ang papel ng ating mga local government unit lalo na’t mas malapit sila sa ating mga kababayan,ā€ ayon kay Gatchalian.

ā€œKaya naman isinusulong natin ang pagpapatatag sa ating mga local school board upang mapalawak natin ang papel ng mga komunidad sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon,ā€ dagdag ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Pinalalawig din ng panukalang batas ang maaaring paggamitan ng Special Education Fund (SEF) na nalilikom mula sa isang porsyentong tax sa real property. Sa ilalim ng Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160), nakalaan ang SEF sa local school board para sa pagpapatakbo at maintenance ng pampublikong paaralan, kabilang ang pagkukumpuni at pagpapatayo ng bagong school buildings.

Sa ilalim ng panukala ni Gatchalian, maaaring gamitin ang SEF sa pagpapasahod ng guro at non-teaching personnel ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school, kabilang ang preschool teachers, honoraria at allowances ng mga guro at non-teaching personnel para sa karagdagang trabaho.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaari na ring gamitin ang SEF sa capital outlay ng preschools, pagpapatakbo ng programa sa ALS, at iba pa. Ernie Reyes