Tunnel sa Bilibid paiimbestigahan

Tunnel sa Bilibid paiimbestigahan

November 11, 2022 @ 3:53 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes, Nobyembre 11 na iimbestigahan nito ang isang “tunnel” na nadiskubre mismo sa New Bilibid Prison.

Ayon kay BuCor acting director-general Gregorio Catapang Jr., ang butas ay mayroong 200 metro ng lapad at 30 metro na lalim.

“We don’t have the expertise here. We are calling the DENR (Department of Environment and Natural Resources) to help us investigate this illegal quarrying sabi nila,” pagbabahagi niya sa panayam ng ANC.

“But sabi ko nga, we are not expert so we would like to rely on expertise to look into this illegal quarrying,” dagdag pa.

Sa ngayon ay hindi pa niya masasabi kung ang tunnel ba na ito ay ginagamit ng mga preso sa pagtakas o pagpasok ng mga kontrabando.

“We will look into that. There are so many possibilities kung anong puwedeng gawin dun sa hinuhukay na ‘yan,” ani Catapang.

Sinabi naman niya sa hiwalay na panayam na ang tunnel ay matatagpuan malapit sa Director’s Quarters na siyang tinutuluyan ng bureau chief ng Bilibid.

Tugon naman ng DENR, hindi sila nagbigay ng permit ng excavation project patungkol dito.

Matatandaan na kamakailan ay ipinakita sa publiko ang sari-saring kontrabando tulad ng cellphone, patalim, mga lata ng beer at illegal na droga na isinuko mismo ng mga inmates sa Bilibid. RNT/JGC