Tuping P1K polymer bill tinatanggap sa SM

Tuping P1K polymer bill tinatanggap sa SM

July 12, 2022 @ 9:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng major mall operator na SM na tinatanggap ang mga nakatuping bagong P1,000 polymer banknotes sa mga retail store nito ngunit hindi tatanggapin ang mga “mutilated” biill.

Ang paglilinaw ng SM ay kasunod ng isang post sa social media na nagsasabing tinanggihan ng kompanya ang isang folded polymer bill.

Only those that are mutilated — stapled and ripped caused by removal of staple wire — will be deemed unfit and not accepted. Our policy has considered the guidelines set by the Bangko Sentral ng Pilipinas,”

Nauna nang naglabas ng mga alituntunin ang Bangko Sentral ng Pilipinas tungkol sa polymer bill, na nagsasabing dapat itong panatilihing patag at malinis.

Hinikayat din ang publiko na huwag dungisan, labis na tiklupin, gupitin, i-stappler,  o plantsahin ang mga polymer na papel de bangko, o ilantad ang mga ito sa mataas na temperatura o nakakaagnas na kemikal.

Ang bagong disenyo ng polymer note ay inilabas noong Disyembre 2021, na nagtatampok sa Philippine eagle sa harap, na epektibong pinapalitan ang mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.

Ang polymer version, gayunpaman, ay mas mahaba kaysa sa new generation currency banknotes (NGC) na opisyal na inilunsad noong Hulyo 2020. RNT