Turismo palalaguin sa ilalim ng Marcos admin

Turismo palalaguin sa ilalim ng Marcos admin

July 25, 2022 @ 6:37 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na padadaliin sa mga turista na makapunta sa tourist spots sa Pilipinas upang malakangon ang tourism industry mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang unang State of the Nation Address, inilahad ni Marcos na mahalaga ang tourism industry para makalikha ng regular employment at masiguro ang economic development.

“To boost our tourism industry, we will first and foremost make basic developments such as road improvements for easier access to tourism spots,” aniya.

“We will also upgrade our airports and create more international airports to help decongest the bottleneck in the Manila airport ,” dagdag ng Pangulo na tinutukoy ang Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi pa ni Marcos na ang kanyang administrasyon “will also make it more convenient for travelers to go around the country, even to remote areas.”

Aniya makatutulong ito “to promote undiscovered tourist spots.”

Ipinag-utos niya sa Department of Tourism at sa Department of Public Works and Highways na pangunahan ang adhikaing ito.

Ayon pa kay Marcos, panahon na para sa mas pinainam na Filipino brand “that is unique, attractive, and creative starting with generating primary and downstream jobs in the industry.” RNT/SA