Turismo sa Tagaytay bukas na muli

Turismo sa Tagaytay bukas na muli

September 23, 2020 @ 10:01 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Tagaytay, Philippines – Bukas na muli sa mga turista ang mga sikat na pasyalan sa lungsod ng Tagaytay.

Bukas na ang Picnic Grove, People’s Park, at Sky Ranch upang buhayin ang ekonomiya dahil sa magkasunod na epekto ng pandemya at pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon din kay city administrator Gregorio Monreal nasa 80 porsyento na rin ng mga restaurant ang nagbukas habang 10 porsyento ng mga hotel sa lungsod ay bukas na rin.

Mahigpit pa ring ipinatutupad ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, pati na ang pagbabawal sa pagpasok sa mga nasabing establisyimento ng mga senior citizen at mga kabataang edad 21-taong gulang pababa. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...