Turista mula MM papayagan na sa Boracay

Turista mula MM papayagan na sa Boracay

September 23, 2020 @ 9:25 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Boracay, Philippines – Papayagan na muli sa Boracay ang pagbisita ng mga turista mula sa Metro Manila.

Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pinayagan na ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang hiling ni Aklan Gov. Florencio Miraflores Jr. sa muling pagbubukas ng Boracay sa mga lugar na nasa general community quarantine katulad ng Metro Manila.

“I am pretty sure matutuloy ito,” ayon kay Puyat.

Dagdag pa nito na ang mga turistang nais bumisita sa Boracay ay nangangailangang magsumite ng negative swab test results ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) sa loob ng 48-72 oras bago ang paglipad papuntang Boracay.

“I am happy that finally we are restarting tourism. It’s all about jobs. Tourism is one of the most affected [industries] and we hope that restart of tourism especially in Boracay will bring back jobs but health and safety protocols have to be in place,” giit ni Puyat.

Samantala, naghihintay pa rin ang lokal na pamahalaan ng Aklan ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...