Turista mula Region 1 makabibisita na sa Baguio City sa Oct. 1

Turista mula Region 1 makabibisita na sa Baguio City sa Oct. 1

September 22, 2020 @ 3:37 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Papayagan na ang mga turistang magmumula sa Region 1 (Ilocos Region) na makapasok sa Baguio City simula  October 1.

“Ang talaga naman naming intensyon is ma-launch namin ngayong araw na ito and that will signal ‘yung pag-register ng mga turista. Maumpisahan na ang pag-register nila pero gaya nga ng napag-usapan namin nila mayor, ang start ng travel mag-umpisa ‘yan ng October 1 onwards…” ayon kay Engineer Alec Mapalo sa isang panayam.

Naunang sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na bubuksan ito sa September 22 sa turista mula Region 1.

“After experiencing ‘yung opening ng aming tourism sa Region 1, siguro for the next two days from the time it was executed, two weeks after the time it was executed, we experience it, we learn from it, saka po kami mag-o-open sa ibang mga region. Ganoon po ‘yung process na aming gagawin,” lahad ni Magalong. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...